Tabs

Pinapagana ng Blogger.

Miyerkules, Agosto 1, 2012

Chapter 1: Heartbreak

Ang tagal namang mag 8pm. Mula umaga hanggang gabi akong nagtatrabaho ngayon dito sa vet clinic. Wala naman kasing nagrerequest saking i-check-up yung mga farm animals sa probinsya, wala rin sa mga kagubatan. At saka, tag-ulan ngayon. Mahirap na, maraming natatamaan ng dengue tuwing tag-ulan, at siguradong marami niyan sa gubat. So no to exploration muna ako, maliban na lang kung sa ibang bansa yan at maganda ang panahon, gora lang!

Namimiss ko na yung mga elepante at leon sa Thailand at Africa. Matagal-tagal ko na rin silang di nakikita. Pero kuntento na rin naman ako dito sa clinic together with my small animal friends tulad ng aso, rabbit at pusa. Naks, at love na love ako ni Ace! My sweet lovable chow chow, ang cute niya talaga! Yun nga lang eh, kulang sa grooming dahil busy-bisihan ang lola nyo sa trabaho. Tuloy di ko maiwasang makonsensya paminsan-minsan. Di bale, may caretaker naman cya sa bahay namin; he should be alright.

Haay... pag talaga tumapat ng 8 yung maikling kamay ng relo, aalis na ko kagad. Di naman sa ayaw kong magtrabaho. I love my job, pero I love Kevin too. Hindi siya aso noh, pambihira, boyfriend ko siya at mag-se-seven years na kaming mag-on. Pareho kaming vet, yun nga lang, more on sea animals sya, ako naman, land. Kaya hindi rin kami gaanong nagkakasama sa trabaho. Pareho kami ng school sa states, nakilala ko siya don, tapos nanligaw siya, tapos hayun! Sinagot ko naman. At since then, naging kami na.

Gusto ko nang umuwi. Day off kasi ni Kevin at pareho kaming nasa Pilipinas ngayon, so this is a chance for bonding. Sex? Hindi pa pwede eh. Kabilin-bilinan samin ng parents naming wag muna hanggat di pa kami kinakasal. 'Yan ang one and only condition nila para payagan nila kaming mag-live in together sa condo ni Kevin.

"Girl, baka matunaw yung relo..."

Ha?

"Sabi ko... matutunaw na yung relo sa katititig mo..."

Si Aimee yun, psychologist naman, at walang kapantay ang pagkakaibigan namin. Best friend mo ba naman since highschool?

"Hulaan ko, nandito ngayon si Kevin kaya wala ka nang pakeelam sa trabaho mo?"

"Ah- eh... heheh....," napakamot na lang ako sa ulo. Galing ah, bulls eye! Masyado bang obvious sa pagmumuka ko?

Huminga naman siya nang malalim, halatang alam na niyang tama siya. Umiling-iling siya saka ngumit at tumawa. At may bonus pang pagbatok sakin! Sigurado ba 'to sa career choice niya?! Baka naman wrestler or boxer ang trabahong meant for her? Kalakas talagang mambatok neto kahit kelan, naturingan pa man ding psychologist, talagang ulo ko pa ang tinatarget! I don't mind naman, that's her way of showing affection naman kasi. Kumbaga, a form of hug or happiness sa kanya yun. Alam na, alam na! Oo, bugbog sarado ako sa kanya nung highschool. Teka, hanggang ngayon pala no, hahah!

Magkamuka rin kami ng building na kinuhanan ng locations ng private clinics namin, ayaw naming maghiwalay noh? Kaya tuwing nagki-clinic kami dito, nagkakasama kami, which is a nice thing dahil kadalasan, pumupunta siya ng ospital para dun manggamot. Ako naman, explore and camping to the max sa wild.

Tuwing nandito kami sa building na 'to, kadalasan siya yung pumupunta sa clinic ko, siya kasi yung nasa mas mataas na floor dahil nandun ang doctors for humans, so mas madaling bumaba, kaya siya na lang ang pumupunta.

"Alam ba ni Kevin na nagclinic ka lang at maaga kang uuwi? Baka naman di mo sinabi, baka wala sa condo nyo yun."

"Nandun yun... wala namang pasok yun eh."

"Malay mo, namasyal, o kaya kumain sa labas."

"Edi hihintayin ko."

"Tawagan mo kaya baliw?"

"Hahah matagal na kong baliw girl! Gusto ko siyang sopresahin, what's the point kung tatawagan ko siya, edi hindi na surprise yun, 'kaw talaga."

"Bahala ka nga! O siya o siya, alas-otso na oh, umuwi ka na nga," sabi niya, sabay ngiti at isa nanamang napakalakas na batok. Halos mapataob ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan ko, buti na lang nakahawak ako sa table.

"Opo, opo, uuwi na, e ikaw, hindi ka pa ba uuwi?"

"Hindi pa eh, marami pa kong trabaho, babush!"

Lumabas na siya ng clinic ko, sabay balik sa clinic nya. Ako naman, lumabas na rin at nag-goodbye na sa secretary ko.

Naeexcite na talaga ko, aakapin niya kaya ko nang mahigpit? Matutuwa kaya siya? Siguro naman noh, baka gusto niyang masipa ko siya pag hindi siya natuwang makita ako. Ako na nga 'tong halos mamatay na sa tuwa makita lang siya, tapos ayaw pa niya?

Pumunta na ko sa parking lot, dun sa G3 floor ako nakapag-parking kanina, wala na kasing natira sa gawing taas. Hinubad ko na yung puting coat ko, at saka pumasok sa loob ng kotse sabay baba ng bag sa backseat. Siyempre excited, inistart ko kagad yung makina at pumunta sa condo.

Hindi ko maintindihan, pasensya na kung OA, pero ang lakas ng tibok ng puso ko, yung hindi ka na makahinga sa excitement? Yung tipong naaasar ka sa stop light twing nagre-red? Yung tipong... pinag-iinitan mo rin yung malakas na ulan kasi pinapabagal lang noon yung usad ng traffic? Pero nakarating pa rin naman ng maaga-aga, mga 8:30? Maaga na yun, kasi kadalasan, umaga na ko nakakauwi eh.

Umakyat ako gamit yung elevator. Pagkahinto sa floor namin, tumakbo ako kagad papunta sa condo.

“Kevin!” Kumatok ako sa pinto. Muka ngang tama si Aimee, wala yatang tao. Siguro nga lumabas muna si Kevin, walang sumasagot eh. Ah, baka naman nakatulog lang, or sadyang hindi lang ako naririnig kasi nasa loob ng kwarto niya. Kumatok ako ulit.

“Kevin? Si Noreen ‘to, andyan ka ba?” Wala talagang sumasagot. Binuksan ko na yung pinto gamit ang susi ko.

“Kevin, nasa kwarto ka ba?” Ibinaba ko yung coat at bag ko sa sofa sa may sala, at saka ako pumunta papasok ng kwarto ni Kevin. Doon ko siya nakita, walang suot na damit, pawis na pawis, nasa taas ng isang babaeng wala ring suot na kahit ano, at pareho silang napatigil sa ginagawa nila pagkapasok ko. Ako rin, napatigil, at unti-unti nang naglaho ang sayang nararamdaman ko. Matagal kaming nagkatitigan ni Kevin, hanggang sa nagsalita siya.

"Noreen..."

Kevin, pinagkatiwalaan kita, minahal...

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento